2 'snatcher' ng cellphone, arestado

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2018 07:52 AM

Arestado ang 2 lalaki matapos umano nilang nakawan ng cellphone ang isang pasahero ng jeep sa Taft Avenue, Maynila Lunes ng gabi.

Kinilala ang nahuli na si Enrico Bautista, 18-anyos, at ang kasama nitong 16-anyos.

Kwento ng biktima, bigla na lang umanong hinablot ang kanyang cellphone habang sakay siya ng isang pampasaherong jeep pasado alas-9 ng gabi.

"Nung magbayad ako, may humablot mula sa bintana," aniya.

Agad inireport ng biktima sa pulis ang nangyari.

Ayon kay Senior Inspector Randy Veran, commander ng Lawton Police Community Precinct, nahuli nila ang mga suspek matapos nilang puntahan ang pinangyarihan.

Inamin naman ni Bautista ang paratang.

"Kapag huminto ang jeep at nakita na may cellphone, kinukuha namin," aniya.

Mahaharap si Bautista sa kasong robbery habang itu-turn over naman sa Department of Social Welfare and Development ang menor de edad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.