Malakas na pag-ulan, nagdulot ng pagbaha sa CDO

PJ Gisan, ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2017 08:16 PM | Updated as of Jan 17 2017 01:39 AM

Ilang bahagi ng Cagayan de Oro (CDO) City ang nakakaranas ng pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan. 

Alas tres Lunes ng hapon nang magsimula ang pag-ulan na dala ng Low Pressure Area (LPA) at tail end ng cold front.

Inabisuhan na ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang mga residente malapit sa ilog at mga danger zones na maging alerto at pumunta sa mga ligtas na lugar.

Marami ring residente ang na-stranded sa mga mall at hindi makadaan dahil sa baha.

Ayon kay Vergil Lago, ang monitoring chief ng CDRRMC, nag-deploy na sila ng mga rescuers sa mga na stranded na mga residente. 

Minomonitor din ang water level sa mga ilog sa syudad.

Binaha rin ang bahagi ng Limketkai Business Center sa Cagayan de Oro City. Photos courtesy of PSupt Antonio Tejada Duruin Jr.