1 patay sa pagsabog ng granada sa Laguna

Noel Alamar, DZMM

Posted at Jan 16 2017 12:18 PM

MANILA - Isa ang patay habang 6 ang sugatan sa pagsabog ng granada sa isang pribadong lote sa San Pedro, Laguna Lunes ng umaga.

Naglalagay ang ilang trabahador ng bakod sa lote sa Barangay San Antonio nang hagisan sila ng granada pasado alas-11 ng umaga, ayon kay Superintendent Harold Depositar, hepe ng San Pedro police chief.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives at Firearms and Explosives Office ng Calabarzon police sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.