TFC News

TINGNAN: Bagong tourism incentive program ng DOT, ipinakilala sa Norway

TFC News

Posted at Jan 15 2023 07:50 PM

OSLO - Ipinakilala kamakailan ng Philippine Embassy sa Norway at Department of Tourism (DOT) sa Filipino Community sa Oslo ang ‘Bisita, Be My Guest’ (BBMG). 

Ito ang pinakabagong travel incentive program ng kagawaran na may layong bigyan ng aktibong partisipasyon ang overseas Filipinos na i-promote ang Pilipinas bilang premier tourist destination.

Oslo1
PE Oslo photo

Maraming European tourist ang nahahalinang bisitahin ang Pilipinas dahil ganda ng bansa at pagiging palakaibigan ng mga Pilipino ayon kay Ambassador Enrico Fos.

Pero sa bagong tourism incentive, mas lalo pang gaganahang magdala ng mga kaibigan at bisitang turista patungong Pilipinas ang ating mga kababayan sa Norway at ibang mga bansa dahil sa BBMG dahil may condominium, car, at vacation incentives ang programang ito.

Oslo4
PE Oslo photo

Hinimok ni Tourism Attachè Gina Esmaña ang mga dumalo sa pulong sa embahada na magpatala na agad sa BBMG program at hikayatin na ang kanilang mga kaibigang banyaga na bisitahin ang Pilipinas.

May 60 kinatawan ng Filipino Community ang dumalo sa nasabing pulong. Naniniwala ang Philippine Embassy na malaki ang maiaambag ng ating mga kababayan sa bagong travel incentive na magiging daan naman upang mapalakas muli ang turismo at ekonomiya ng Pilipinas.

Oslo2
PE Oslo photo

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Norway, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.