PatrolPH

PANOORIN: Motorsiklo, isinalba ng 2 lalaki sa rumaragasang ilog sa Cotabato

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2021 01:59 PM

 

Dalawalang lalaki ang nagpumilit na maisalba ang isang motorsiklo sa gitna ng rumaragasa at lumalaking tubig sa ilog sa Magpet, Cotabato.

Sa video na kuha ni Cris Jhon Escueta, makikita na hindi alintana ng dalawang lalaki ang panganib habang abala sila sa pagsalba sa motorsiklo na nalubog na sa tubig.

Ayon kay Escueta, may mga nakaparadang motorsiklo sa bahagi na karaniwang hindi inaabot ng paglaki ng tubig ng ilog.

Nakaranas ng pag-ulan ang bayan ng Magpet noong Huwebes dahil sa localized thunderstorm.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.