PatrolPH

2 lalaki patay sa trak na nahulog sa bangin sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2021 03:46 AM

2 lalaki patay sa trak na nahulog sa bangin sa Davao del Sur 1
Kuha ng Davao del Sur PNP

DIGOS - Dalawang lalaki ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang truck sa Brgy. Binaton sa Digos, Davao del Sur Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pulisya, nakasakay ang dalawang trabahador na sina Junel Vargas at Celso Acam sa liko ng naturang truck habang bumabaybay ito sa Digos-Kapatagan Road sa Purok Durian, Sitio Mahayag.

Papunta na sana sa sentro ng Digos City ng nawalan umano ng kontrol ang driver sa truck at bumangga ito sa bahay. Nahulogg sa banging ang trak na ilang metro rin ang lalim kaya wasak ang sasakyan.

Dinala sa ospital ang mga nasugatan, kabilang ang truck driver, pero namatay ang dalawa.

Nagpapagaling sa Davao del Sur Provincial Hospital ang mga sugatang pasahero at driver ng truck.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.