#WalangPasok: Huwebes, Enero 16, 2020 dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2020 06:47 PM | Updated as of Jan 15 2020 09:33 PM

MAYNILA (2nd UPDATE) —Kanselado ang pasok sa mga lugar na ito sa Huwebes, Enero 16, kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Kabilang sa mga lugar na nag-anunsiyo ng suspensiyon ng klase ang mga sumusunod:

LAHAT NG ANTAS:

CALABARZON

  • Batangas
    • Buong lalawigan, hanggang sa susunod na abiso
  •  Cavite
    • Buong lalawigan, hanggang Biyernes, Enero 17
  •  Laguna 
    • Bay
    • Biñan City (hanggang Sabado, Enero 18)
    • Cabuyao
    • Calamba City
    • Los Baños
    • San Pedro City
    • Santa Rosa City

Idineklara rin ng Malacañang na special non-working holiday ang Enero 16 sa Batangas City kasabay ng pista ng lungsod.

 

Ngunit dahil sa nangyaring pagsabog ng Taal, ipinagpaliban muna ng lokal na pamahalaan ng Batangas City ang mga pagdiriwang.

Kasalukuyang nakataas ang alert Level 4 sa bulkan at libo-libong residente na ang lumikas. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.