NBI idinetalye ang karumaldumal na sinapit ni Jeanelyn Villavende sa Kuwait

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2020 08:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Lumalabas sa awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) na bukod sa minolestiya ang overseas Filipino worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende, matagal na siyang sinasaktan at pinahihirapan ng amo sa Kuwait.

Ayon sa pagsusuri, masyadong marami at hindi mabilang ang sugat at pasa sa bangkay ni Villavende.
 
Ayon kay Dr. Ricardo Rodaje, hepe ng NBI medico-legal division, karamihan ay mga latay at bugbog sa likuran. 

"Iyung injuries na 'yon hindi nakuha ng victim during the time of her death. She received maltreatment weeks or months before she died. Parang everyday she suffered injuries," ani Rodaje.

Maski ang kaniyang tainga at ulo, may mga sugat din. 

May nakita ring mga pasa sa kaniyang ari, indikasyon na siya ay ginahasa.

"Even in her inner thighs may mga pasa, most likely she was trying to protect herself before she was raped," ani Rodaje.

"May pinasok sa puwet niya na blunt hard object. Admitted ng Kuwaiti police na may na-recover na parang wood," dagdag pa ng NBI.

Hindi rin daw nakilala ng kaniyang ina ang bangkay dahil sa laki ng pinayat nito.

"Body was malnourished... Highly probable na kulang ang pagkain."

Dahil dito, muling nagpatupad ang gobyerno ng total ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait.

—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.