3 sugatan sa sunog sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2020 05:22 AM

QUEZON CITY - Sugatan ang 3 katao matapos ang sunog sa isang residential area Miyerkoles ng madaling araw sa Payatas Road, Barangay Payatas B, Quezon City, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). 

 

Ayon kay Fire Chief Inspector Joseph Del Mundo ng BFP Quezon City, isang junk shop at dalawang bahay ang nasunog bandang 2:20 ng madaling araw. 

Mabilis na iniakyat sa ika-2 na alarma ang sunog matapos kumalat ang apoy sa junk shop na may laman na mga light materials gaya ng plastik. 

Naapula ang sunog bandang 3:28 ng madaling araw. 

Mabilis ding sinugod sa ospital si Cesar Silva, isa sa mga nakatira sa bahay, matapos magtamo ng mga sugat sa braso. 

Ayon sa isang residente sa lugar, narinig nila umano ang malakas na putok na galing sa bahay ni Silva. 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng pinagmulan ng sunog. -Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.