2 patay sa pagbaliktad ng trak sa Aklan

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2020 08:07 PM

Lumagpas sa pakurbadang daan ang trak bago bumaligtad na nagresulta sa pagkamatay ng driver at pahinante nito. Larawan mula sa Nabas Police Station

Patay ang driver at pahinante ng isang wing van truck na may kargang feeds matapos bumaligtad sa pakurbadang bahagi ng Libertad sa bayan ng Nabas sa Aklan, Martes ng umaga.

Lumagpas umano sa daan ang trak bago bumaligtad.

Ayon kay Police Cpl. Andrew Andrade ng Nabas Police, natagalan bago makuha sa ilalim ng bumaligtad na trak ang pahinanteng si Ronald Merano matapos maipit sa upuan.

Dead on arrival din sa ospital ang driver na si Nilo Francisco na mula sa Kalibo, Aklan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, galing Caticlan sa bayan ng Malay at patungong Kalibo ang truck para mag-deliver ng kargang feeds nang maaksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.