P6.8 milyong halaga ng 'shabu' nasamsam sa Zamboanga

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2019 07:48 PM

Nakumpiska ang 1 kilo ng hinihinalang droga mula sa 3 umanong big-time drug dealers sa Zamboanga City nitong Martes. Chrisel Almonia, ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY - Nasa P6.8 milyong halaga o isang kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa 3 umanong big-time drug dealers sa lungsod nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Senior Supt. Thomas Joseph Martir, city director ng Zamboanga City Police, iniimbestigahan pa nila kung saan galing ang mga drogang nakumpiska.

Inaalam din kung magkakaugnay ang mga suspek at ang mga nahuling tulak ng droga sa mga nakaraang buy-bust operation, kung saan nasa isang kilo din ng shabu ang nasamsam.

Ito na ang pangalawang beses na may nahuling malaking halaga ng droga sa lungsod nitong buwan.

Ayon sa Police Regional Office-Zamboanga Peninsula, ito ay kabilang sa high impact operations na ginagawa sa buong Western Mindanao upang mahuli ang malalaking dealer ng droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.