Ilang barangay sa Taguig, mawawalan ng tubig simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2018 11:11 PM | Updated as of Mar 20 2019 05:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinatayang 11,000 kabahayan sa Taguig ang mawawalan ng tubig simula Martes, Enero 16.

Ayon sa abiso ng Manila Water, mawawalan ng tubig simula alas-10 ng gabi ng Martes hanggang alas-6 ng umaga sa Miyerkoles, Enero 17 sa mga sumusunod na barangay:

- Central Signal
- South Signal
- Bahagi ng Western Bicutan (SS Brigade)
- Bahagi ng Pinagsama (EP Housing Phase 1)

Magsasagawa kasi ng service improvement ang Manila Water sa dalawang magkaibang lokasyon sa kahabaan ng Cuasay Road, Taguig.

Pinapayuhan ang mga residente ng mga naturang lugar na mag-ipon ng tubig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.