MANILA - Interesado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapalakas at pagpapalawak ng military ties sa Türkiye.
Ito’y ayon kay AFP chief Gen. Andres Centino at Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Eyren Akyol, sa isang courtesy call na ginawa ng envoy, sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City kamakailan.
Kinamayan ni AFP chief Gen. Andres Centino (kanan) si Turkish Ambassador to Manila Niyazi Eyren Akyol sa kanyang pagdating sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City nitong January 10. Ang pagpapatatag ng umiiral na memorandum of understanding sa defense industry cooperation ng Pilipinas at Turkiye ang naging sentro ng kanilang pag-uusap. (Photo courtesy of AFP)
Ayon kay Centino palalawakin at pagtitibayin pa ang defense industry cooperation sa pagitan ng Türkiye at Pilipinas.
"In their meeting, the Chief of Staff of the AFP expressed his gratitude for the significant contribution of the government of Türkiye to the AFP modernization with the acquisition of the Philippine Air Force Attack Helicopter T-129 and Philippine Army M113 APC Fire Power Upgrade," pahayag ni Col. Jorry Baclor, AFP Public Affairs Office chief.
Ang T-129 combat helicopter na gawa ng Turkish Aerospace Industries habang nakadisplay sa International Paris Air Show noong June 2017. (Photo courtesy of Gigie Cruz, ABS-CBN News)
Samantala, ipinaabot ni Akyol ang pangako ng Ankara na patuloy na tutulong sa AFP sa kanilang modernization program habang tinutukoy ang kakayahan ng kanyang bansa sa paggawa ng mga makabagong sandatang pandigma.
Kilala ang Türkiye sa military aircraft manufacturing at shipbuilding industry. May kakayahan din silang gumawa ng air defense weapons at small arms.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europe, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.