PatrolPH

Barangay treasurer patay sa pamamaril sa Abra

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2022 11:44 PM

Kuha ng Lagangilang PNP
Kuha ng Lagangilang PNP

Patay ang isang 36-anyos na barangay official matapos siyang pagbabarilin sa bayan ng Lagangilang, Abra, nitong Huwebes ng hapon. 

Ayon sa hepe ng Lagangilang Police na si Pol. Maj. Harold Alagao, pauwi na ang biktimang nakasakay sa tricycle nang pagbabarilin siya ng mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Barangay Tagodtod. 

Nagtamo ng tama ng baril ang iba't-ibang bahagi ng katawan ng biktima. Sugatan naman ang driver ng tricycle. 

Isinugod sa ospital ang dalawa pero idineklarang dead on arrival ang barangay treasurer habang nakaligtas ang driver, na nagpapagaling ngayon.

Ang biktima ay barangay treasurer umano ng Barangay Lan-ag sa bayan ng Lacub.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

— Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.