COTABATO CITY — Timbog ang dalawang indibidwal matapos magpresenta umano sila ng mga pekeng vaccination card sa mga awtoridad sa Cotabato City nitong Miyerkules.
Halos magkapareha ang itsura ng totoong vaccination card sa ginawa ng mga suspek pero kung susuriing mabuti, 10 araw lang ang pagitan ng 1st dose at 2nd dose nila na naging kahina-hinala sa mga awtoridad.
Dapat ay nasa 3 buwan pataas ang pagitan ng 1st at 2nd dose.
Dahil sa pagkahuli ng dalawa, simula Sabado, Enero 15, hahanapan na ng vaccination certificate ang mga papasok sa lungsod, ayon kay Cotabato Mayor Cynthia Guiani.
“Ngayon, hindi po pekeng vaccination card ang makakatulong sa inyo. Magpabakuna na kayo dahil ito lamang ang pinakamabisang panlaban kontra sa komplikasyon na dulot ng COVID-19,” ani Guiani.
Nakakulong at haharap sa kaso ang mga suspek.
Kasalukuyang nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 3 ang Cotabato dahil sa mabilis na pagdami ng kaso sa lungsod sa loob ng isang linggo.
— Ulat ni Chrislen Bulosan
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.