Umano'y drug pusher, patay matapos 'manlaban' sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2021 03:45 AM

Kuha ng Police Regional Office 3

Isang tulak ng droga ang napatay matapos manlaban umano sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nakatunog ang drug pusher na si Jhonny Solomon na mga pulis ang katransaksyon kaya kagad-agad niyang binunot ang dalang cal. 38 na baril at pinaputukan ang mga pulis. 

Sa palitan ng putok, tinamaan si Solomon na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Narekober ng mga awtoridad ang ginamit na baril, mga bala, at 2 sachet ng shabu na nasa 3 gramo ang bigat at nasa P20,000 ang halaga.

Isang motorsiklo at cellphone din ang nakuha.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.