Bahagi ng kalsada sa bayan sa Eastern Samar, hindi madaanan dahil sa landslide

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2021 11:41 AM | Updated as of Jan 14 2021 11:42 AM

Nagsasagawa na ng clearing operations ang Department of Public Works and Highways sa Eastern Samar sa Barangay Binaloan sa bayan ng Taft para maialis ang gumuhong lupa mula sa kalsada. Larawan mula sa DPWH Region 8

Nagdulot ng landslide ang walang tigil na pag-ulan sa Barangay Binaloan, sa bayan ng Taft sa Eastern Samar, Miyerkoles ng hapon.

Sarado pa rin ang nasabing kalsada para na rin sa kaligtasan ng mga motorista.

Nagsasagawa na ng clearing operations sa lugar ang mga tauhan ng Eastern Samar Department of Public Works and Highways.

Pinapayuhan ang mga motorista na galing Tacloban papuntang Borongan at Taft-Arteche via Wright-Taft na dumaan sa Buenavista-Lawaan-Marabut Road bilang alternatibong ruta.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.