PatrolPH

9 Japanese na idinadawit sa phishing scams ipina-deport

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2021 06:05 PM

MAYNILA – Siyam na Hapon na umano'y dawit sa phishing scam sa Japan ang ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) noong Miyerkoles.

Naaresto ang 9 sa pinagsanib na operasyon ng BI, Japanese Interpol, at embahada ng Japan sa Pilipinas. 

Inakusahan ang 9 ng pagkakadawit sa krimeng phishing, isang uri ng electronic fraud na ginagaya ang ilang detalye ng ilang institusyon para makapanloko ng biktima. 

Isinama na sa blacklist ng BI ang pangalan ng mga Hapon. 

–Mula sa ulat ni Raoul Esperas

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.