Meningo scare: ER ng ospital sa Pasay, isinailaim sa decontamination

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 03:45 PM

MAYNILA – Walang dapat ikabahala ang mga residente ng Pasay City matapos mapaulat na may pasyente na hinihinalang may sakit na meningococcemia ang isinugod sa Pasay City General Hospital.

Ayon kay Dr. Mary Joy Balanay, nailipat na sa San Lazaro Hospital ang batang pasyente at hinihintay pa ang laboratory confirmation sa tunay na sakit nito.

Aniya, isolated case lamang ito at walang outbreak ng naturang sakit sa lungsod.

Bukas na rin ang kanilang emergency room matapos na isailalim sa decontamination.

Ang meningococcemia ay sanhi ng bacteria na Neisseria meningitidis. Naipapasa ito ng direct contact sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo o pag-halik.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.