Lalaki patay sa pamamaril sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 07:21 AM

Patay ang isang 28 anyos na lalaki matapos pagbabarilin umano ng riding in tandem Martes ng madaling araw sa Barangay Wawa,Taguig. 

Ayon sa isang kaanak, love triangle ang tinitingnan nilang rason ng pagpatay. Ito na umano ang ikatlong beses na binaril ang lalake, 2 beses nung isang taon lang ngunit nabuhay ang biktima. 

Inaalam pa ng pulis kung sino ang bumaril sa biktima at ano ang motibo sa krimen. -Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.