MAYNILA—Nasamsam ng Manila Veterinary Inspection Board ang higit 6 na toneladang karne ng exotic animals.
Ayon sa public information office ng Manila, ang mga ipinuslit na karne ay mula sa mga pawikan, sea lion, at iba pang hayop na mahigpit na ipinagbabawal ng batas sa bansa na katayin.
Nahuli ang isang Chinese national na umanong nagpuslit sa ipinagbabawal na karne na may market value na P15 milyon.
Nasabat ang kontrabando sakay ng isang van sa Binondo, Maynila Lunes ng gabi.—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
Manila, Binondo, meat, exotic animals, sea turtle, sea lion, raid, Chinese, arrest