60 bahay sa Cebu, natupok

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 01:40 AM

CEBU - Aabot sa 60 tahanan ang natupok sa sunog Lunes ng gabi sa Barangay Luz, Cebu City, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Kuha ni Jude Torres, ABS-CBN News

Sumiklab ang sunog ng alas-8 ng gabi sa Sitio Sto. Nino 3 at naapula naman ng 9:50 ng gabi. 

Aabot sa P1 milyon ang danyos ng sunog. 

Ayon kay Fire Officer 2 Fulbert Navarro, nagsimula ang sunog sa ika-3 na palapag ng bahay ng pamilya Lapiz at iimbestigahan pa nila ang sanhi ng sunog. 

Kasali sa susuriin ng BFP ang problema sa koneksyon sa kuryente na posibleng umanong sanhi ng sunog.

Nanatili ngayon ang mga biktima ng sunog sa Sitio Abellana Gym at nabigyan na ng lokal na pamahalaan ng Barangay Luz ng pagkain.

Magbibigay din ng tulong pinansiyal para sa mga nasunugan ang lokal na pamahalaan, ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella.

Inanunsyo rin ng alkalde na makakabalik sa kanilang mga lugar ang mga nasunugan dahil under government lot ang firescene. -Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.