4 na drug suspek sa watchlist, huli sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 05:08 AM

PASAY - Timbog ang 4 na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Lunes ng gabi sa Barangay 152, Pasay.

Ayon kay Police Capt. Deni Mari Pedrozo ng Pasay Police Station, nakuha sa mga suspek ang 16 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000 thousand.

Lahat ng mga inaresto ay nasa drugs watchlist kabilang na ang isang tattoo artist, isang river ranger, at basurero. Timbog din ang target ng operasyon na si alyas Manny na tulak umano ng droga sa lugar.

Nakakulong na sila sa Pasay Custodial Facility. -Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.