4 kalaboso sa droga sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 03:48 AM

MAKATI - Arestado ang 3 lalaki at isang babae sa magkasunod na buy-bust operation Lunes ng gabi sa Makati. 

Unang nahuli ang isang 39 anyos na lalaki na nagtutulak umano ng droga sa Barangay Guadalupe Nuevo sa Makati. Nakuha sa kanya ang 10 sachet ng hinihinalang shabu.

Timbog naman ang isang babae at 2 lalaki sa Barangay Comembo at nakuha ang 31 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P16,000.

Kasalukuyan silang nakakulong sa Makati City Police Station. -Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.