2 patay, 3 sugatan sa naaksidenteng ambulansiya sa Bontoc

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 05:11 PM | Updated as of Jan 14 2020 07:16 PM

Dalawang tao ang patay habang 3 iba pa ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang ambulansiya sa Bontoc, Mountain Province ngayong Martes.

Binabaybay ng ambulansiya ang kalsada sa Barangay Talubin bandang alas-8 ng umaga nang mahulog ito sa banging may lalim na 150 metro, ayon kay Captain Gilbert Bulalit, acting chief of police ng Bontoc Municipal Police Station.

Dead on the spot ang driver ng ambulansiya at isang sakay habang sugatan ang 3 iba pa.

Magdadala raw sana ng pasyente ang ambulansiya sa Hungduan Municipal Hospital nang mangyari ang insidente, ayon sa pulisya.

Inaalam pa ang dahilan kung bakit nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.