Lalaking kaalitan ang mga kaanak, nahulihan ng baril sa checkpoint

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2019 09:09 AM | Updated as of Jan 14 2019 08:23 PM

MANILA - Inaresto ang isang 77-anyos na lalaking may kargang baril makaraang dumaan sa isang checkpoint sa Novaliches, Quezon City nitong Linggo. 

Ipinatupad ang mga checkpoint at gun ban sa buong bansa sa parehong araw kasabay ng pagsisimula ng election period. 

Watch more in iWantTFC

Sa checkpoint sa Quirino Highway, pinahinto ang suspek na si Edgardo Aguilos dahil wala siyang suot na helmet.

Napansin kalaunan ng mga awtoridad ang dala niyang kalibre .45 baril na inamin naman niyang kaniya. 

Aniya, "Akin yan, kasi yung mga kamag-anak ko, inaaway ako. Ayaw ako tigilan." 

Ipinaalala naman ni Director Guillermo Eleazar, hepe ng Metro Manila police, na maaari lamang magkasa ang mga awtoridad ng visual inspection sa mga checkpoint. 

Hindi aniya puwedeng pababain ang pasahero, kapkapan o pabuksan ang trunk. 

Dapat naman aniyang bagalan ng mga motorista ang takbo pagdaan dito, ilagay sa dim ang headlights at buksan ang ilaw sa loob ng sasakyan. 

Kakasuhan ng paglabag sa election code ang mga lalabag dito. 

Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.