Driver patay sa salpukan ng 2 truck sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2019 03:29 PM | Updated as of Jan 14 2019 07:23 PM

Retrato mula kay John-Oliver S. Magat

(UPDATED) Nasawi nitong umaga ng Lunes ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamaneho niyang elf truck sa isang 14-wheeler truck na may dalang mga troso sa Valenzuela City.

Dead on the spot ang driver ng elf truck na si Ronaldo Cantado na natamaan sa ulo ng troso mula sa nakabanggang truck.

Nakaligtas naman ang pahinante ni Cantado na si Aldrin Malinao.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuwento ni Malinao, nawalan ng preno ang kanilang sasakyan subalit hindi mabilis ang kanilang pagpapatakbo.

Ikinulong naman ang driver ng 14-wheeler truck.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Nagpayo naman ang mga awtoridad sa mga motorista na tiyaking nasa kondisyon ang sasakyan bago bumiyahe.

--Ulat nina Jeck Batallones at Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.