Dating pulis patay sa pananaksak sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2019 08:13 AM

MANILA - Patay ang isang dati nang nasibak na pulis matapos pagsasaksakin ng hindi nakilalang salarin sa Tondo, Maynila Lunes.

Natagpuang nakahandusay ang biktimang si Jose Igig sa eskinita sa Road 10, Barangay Vitas. Sinubukan pa siyang isalba pero idineklarang dead on arrival sa ospital.

Maraming bahay sa lugar pero walang kahit sinong residente na gustong magsalita ukol sa insidente tila dahil sa takot, ayon sa mga imbestigador.

Patuloy anilang iniimbestigahan ang posibleng motibo sa pagpatay kay Igig na dating police officer 1 sa Quezon City.

Sinibak siya ng Office of the Ombudsman mula sa serbisyo noong 2010 dahil sa kasong grave misconduct.

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.