TFC News

PH nakilahok sa Asian Financial Forum 2023 sa Hong Kong

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News Hong Kong

Posted at Jan 13 2023 08:43 PM

HONG KONG - Nakilahok ang Pilipinas sa dalawang araw na event na Asian Financial Forum o AFF 2023 na ginanap sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre o HKCEC noong January 11 hanggang 12, 2023. Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa Philippine Trade and Investment Center – Hong Kong o PTIC-HK kasama ang Philippine Consulate General Hong Kong o PCGHK, Department of Finance ng Pilipinas o DOF, at ang Board of Investments o BOI. 

Inorganisa ang nasabing event ng Hong Kong Special Administrative Region o SAR Government at ng Hong Kong Trade Development Council. Ngayon lamang idinaos nang face to face ang forum simula nang tumama ang pandemya noong 2020. “Accelerating Transformation: Impact, Inclusion, Innovation” ang topic ng forum ngayong taon. 

hong kong
Mga lumahok sa Asian Financial Forum o AFF 2023

Humakot ng 66,700 viewers ang AFF noong nakaraang taon mula sa 80 iba-ibang bansa para sa thought leadership at business networking, at para sa latest fintech innovations at next-generation business ideas.  

Lumahok dito bilang isa sa panelists si PH Department of Finance Secretary Dr. Benjamin Diokno na nagpahayag na ang global cooperation ay may mahalagang bahagi sa pagpapaunlad ng global economy. Ibinihagi rin ng Kalihim na ang Pilipinas ay isang patunay ng gobyernong kayang tumugon ng epektibo laban sa economic crisis. 

Binigyang diin naman ni Hong Kong SAR Chief Executive (CE) Mr. John Lee na nakahakot ng 100 global business leaders, policymakers, financial at wealth management professionals, entrepreneurs, technology innovators at economists  ang AFF bilang Asia's premier annual financial forum para magbahaginan ng mga kaalaman patungkol sa global finance, economy, trade, sustainability, at iba pa. 

“We offer companies and investors a business-enabling environment, internationally aligned regulations, and a free flow of capital and people, as well as plentiful opportunities coming from our deepening integration with national development,” pahayag ni CE Lee.  

Para sa iba pang impormasyon patungkol sa AFF 2023, maaaring bisitahin ang kanilang official website. Maari ring makipag-ugnayan sa PTIC-HK sa hongkong@dti.gov.ph.