PatrolPH

Hinihinalang shabu, marijuana na ipinuslit sa umano’y padalang markers nasabat

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2022 06:21 AM

Watch more on iWantTFC

Tumambad sa mga awtoridad ang bulto-bultong hinihinalang shabu na ipinuslit sa padalang dumating sa Clark, Pampanga nitong Miyerkoles.

 

Galing Henderson, Nevada ang padalang idinekalarang mga panulat lang ang laman tulad ng marker pens.

Pero hindi ito pumasa sa K-9 sweeping at nadiskubre ang mga kontrabandong itinago sa padala.

Kabilang sa mga kumpiskadong item ay mga plastic sachet ng hinihinalang shabu at liquid marijuana. Nasa P90,000 ang kabuuang halaga nito.

Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs ang controlled delivery operation sa consignee ng padala sa Quezon City.

Arestado na ang tumanggap ng padala na kakasuhan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Itinurnover naman sa PDEA ang mga kumpiskadong item.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.