PatrolPH

Binatilyo nalunod sa dam sa Davao del Sur

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2021 02:30 PM

Binatilyo nalunod sa dam sa Davao del Sur 1
Lumangoy umano sa malalim na bahagi ng dam sa Hagonoy, Davao del Sur ang biktima nang malunod, ayon sa mga kaklaseng kasama niya noon. Larawan mula sa Hagonoy Police


HAGONOY, Davao Del Sur - Nalunod ang isang binatilyo sa pinagliguan na dam sa Barangay Lapulabao sa nasabing bayan nitong Martes.

Kasama ng biktimang 19 anyos na si Mark John Mendez ang mga kaklase na naligo sa Moong river dam Martes ng hapon.

Ayon sa mga kaklase, lumangoy sa malalim na bahagi ng dam si Mendez at tinangay nang malakas ng pressure ng tubig.

Makalipas ang ilang minuto, natagpuan ang biktima sa kabilang bahagi ng ilog sa Main NIA canal na nakalutang at wala nang malay.

Dinala pa sa Davao del Sur Provincial Hospital ang biktima lulan ng rescue ambulance pero idineklara na siyang dead on arrival ng attending physician.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.