Payo sa Taal evacuees: Sumunod sa mga awtoridad, subaybayan ang balita

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2020 01:12 PM | Updated as of Jan 13 2020 03:38 PM

Pinayuhan ngayong Lunes ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga taong lumilikas sa pag-aalboroto ng bulkang Taal na sumunod sa utos ng mga awtoridad at maging maalam sa nangyayari sa paligid sa pamamagitan ng pagsubaybay sa balita. 

Nasa libo-libong residente mula sa mga bayang nakapaligid sa bulkang Taal ang inilikas kasunod ng pag-alboroto nito noong Linggo.

"Follow any evacuation orders issued by authorities and put your emergency plan into action," sabi ni PRC Chairperson na si Richard Gordon sa isang pahayag.

"It is also very important to monitor what is happening by listening to a local station on a portable, battery-operated radio or television for updated emergency information and instructions," dagdag niya.

Bukod sa mga tao, dapat ding isama sa mga evacuation area ang mga alagang hayop, ayon kay Gordon.

Pinaalala rin ni Gordon sa mga evacuee na hangga't maaari ay manatiling balot para hindi malatand sa abo, magsuot ng dust mask, at magsuot ng goggles o eyeglasses. 

Dapat ding panatilihing sarado ang mga bintana at pinto ng bahay para hindi makapasok ang volcanic ash at ihanda ng pamilya ang lifeline kit sakaling palikasin ng mga awtoridad, ani Gordon.

"These safety reminders also go for people living in areas that may not be directly in the danger zones but are affected by the volcanic activity, such as in Metro Manila where there have been reported ash falls," ani Gordon.

Tandaan din daw ang mga emergency number at ang Red Cross 143 hotline.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.