Imbakan ng office supplies sa QC, natupok

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2020 03:15 AM

Naapula ng mga bumbero ang sunog sa imbakan ng office supplies sa isang residential area pagsapit ng Lunes, 12:15 ng hatinggabi, sa Barangay Pinagkaisahan, Quezon City (QC).

Ayon kay Senior Fire Officer 3 Marcus Munda ng QC Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy sa imbakan ng office supplies na nirerentahan ng isang Alyas Domeng, Linggo ng gabi. 

Mabilis na iniakyat sa ika-2 alarma ang sunog bago naapula. 

Ayon kay Myla Factora, nakatira sa katabing bahay ng nasunog na imbakan, nakarinig sila umano ng malakas na putok na sinundan ng malaking apoy. 

Nasunog ang gilid na bahagi ng kanilang bahay pero ligtas naman ang lahat ng kanyang pamilya.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala nito. -- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.