Tricycle driver nahulihan ng 'droga' sa checkpoint sa Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2019 08:04 AM | Updated as of Jan 13 2019 08:21 AM

MANILA - Arestado ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng hinihinalang droga sa Comelec checkpoint sa Maynila.

Napaiyak ang tricycle driver nang arestuhin siya sa checkpoint sa maynila.

Ayon sa pulisya, nagsagawa ng checkpoint ang Sta. Ana Police Station sa New Panaderos St. at pinahinto ang tricycle.

Hiningan ng lisensya ang driver at nanginginig umano ito nang kunin ang pitaka. Pagbukas sa pitaka, nakita ng mga pulis ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Itinanggi naman ng driver na kanya ang droga, inabot lang umano ng pasahero niya ang sachet kasama sa bayad.

Pinasok niya agad sa pitaka at di alam na may droga palang kasama. Pagdating sa checkpoint nagulat na lang aniya siya na hinuhuli na siya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.