Lalaki nahulihan ng marijuana sa Davao City

Clarabelle Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2019 03:45 PM

DAVAO CITY- Arestado ang isang 28 taong gulang na magsasaka nang mahulihian ng hinihinalang marijuana sa distrito ng Toril, Sabado ng gabi. 

Ayon sa Task Force Davao, patungo sana sa birthday party sa Digos City ang suspek nang makita siya ng mga pulis na nag-iinpeksiyon na may inihulog na papel.

Nang tingnan ng mga awtoridad, mga pinatuyo umano itong dahon ng marijuana. Agad dinala sa presinto ang suspek na kakasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act. 

Giit naman ng suspek, hindi siya nagbebenta ng ilegal na droga at ang marijuana ay para lamang sa pansarili niyang gamit.