PatrolPH

2 drayber arestado dahil sa ilegal na droga sa Makati, Mandaluyong

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2019 11:54 PM

MAYNILA - Arestado ang isang taxi driver at isa pang TNVS driver matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Mandaluyong at Makati.

Unang naaresto ng Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong police ang 46 taong gulang na TNVS driver matapos ang ikinasang buy-bust operation laban sa kaniya sa bahagi ng Barangay Mauway.

Narekober mula sa suspek na kabilang sa drug watchlist ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa Makati, arestado rin ang isang taxi driver matapos mahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga sa loob mismo ng minamanehong taxi.

Ayon sa Makati police, nagpapatrolya ang mga operatiba nang matiyempuhan ang suspek na gumagamit ng droga.

Nakumpiska mula sa kaniya ang isang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa dalawang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.