MAYNILA — Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Huwebes na tumatanggap ng iba't ibang klaseng voter application ang kalulunsad pa lang nitong "Register Anywhere Project" RAP.
Narito ang mga sumusunod na aplikasyong tinatanggap ng RAP sites.
• Bagong botante para sa Sangguniang Kabataan elections (hindi bababa sa 15 anyos bago o sa Oktubre 30, 2023)
• Bagong botante para sa barangay, local at national elections (hindi bababa sa 18 anyos bago o sa Oktubre 30, 2023)
• Paglipat ng registration records
• Registered overseas voters na babalik sa Pilipinas at gusto nang bumoto sa paparating na barangay at SK elections
• Mga residente ng lungsod o munisipyo kung saan mayroong RAP (kaakibat at dagdag pa sa mga regular registration sa opisina ng local Comelec at sa mga mall registrations pati na ng barangay satellite registrations)
• Senior citizens at persons with disabilities (PWDs) na bagong botante o magpapa-update ng kanilang voter registration records
Inanunsiyo rin ng Comelec na simula Huwebes, Enero 12, ay tatanggapin na rin sa lahat ng RAP sites ang application for reactivation para sa mga na-deactivate ang voter records dahil sa hindi pagboto nang 2 beses o higit pa.
Narito ang Register Anywhere Project sites na puwedeng puntahan.
January 14-15 at 21-22, 2023
Saturdays and Sundays
8 a.m. hanggang 5 p.m.
• SM City Sucat, Parañaque City
• SM City Mall of Asia, Pasay City
• SM City Fairview, Quezon City
• Robinson’s Place Manila, Ermita, Manila
• Robinson’s Place Galleria, Ortigas, Quezon City
• SM City Legazpi, Legazpi City,
• Robinson’s Place Naga, Naga City
• Robinson’s Place Tacloban, Tacloban City
January 25, 2023
8 a.m. hanggang 5 p.m.
• Senate of the Philippines
GSIS Complex, Pasay City
January 25-26, 2023
8 a.m. hanggang 5 p.m.
• House of Representatives,
Batasang Pambansa, Quezon City
January 10-13, 2023 at January 16-20, 2023
8 a.m. hanggang 5 p.m.
• Government Service Insurance System Main Office, GSIS Complex, Pasay City
Ayon sa Comelec, i-accomplish lamang ang 1 kopya application form — at Supplementary Data Form para sa senior citizens at PWDs, na maaaring i-download mula sa Comelec website.
Magdala ng alin sa mga sumusunod na valid ID.
• Philippine Passport
• NBI Clearance
• Driver’s License
• Postal ID
• Employer’s ID
• School ID o Library Card
• Senior Citizens ID
• PWD ID
• Barangay Certification na may larawan, pirma, petsa ng kapanganakan at kumpletong tirahan
• Kung wala lahat ng ito, puwedeng magdala ng Affidavit of Identification na mada-download mula sa Comelec website