PatrolPH

Lalaking walang face mask, naninigarilyo sa labas nahulihan ng shabu

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2022 08:35 AM | Updated as of Jan 12 2022 08:51 AM

Watch more on iWantTFC

Arestado ng Quezon City police ang isang lalaki na umano'y may tinatagong shabu habang naglalakad na walang face mask at naninigarilyo sa isang pampublikong lugar. 

Kinastigo ng pulis ang suspek sa paninigarilyo at hindi pagsusuot ng face mask sa kanilang pag-iikot sa Obrero Street bandang alas 4 ng umaga nitong Martes. 

Nang lapitan nila ito, nagtangka pang tumakas ang suspek. Hinabol ito ng mga operatiba hanggang sa ma-corner nila.

Nang inspeksyonin ng mga otoridad ang kanyang face mak, nahulog at tumambad ang isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu mula sa bulsa ng suspek.

Ininspeksyon din ang vaccination card nito ngunit wala itong maipakita.
Ito any nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspek at pagkumpiska ng umano'y 2 gramo ng hinihinalang shabu.

Kakasuhan ang suspect ng mga paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, paninigarilyo sa pampublikong Lugar na ordinansa ng Quezon City at ng hindi pagsusuot ng face mask.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.