Dating PNP chief Eleazar, nagpositibo sa COVID-19

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2022 04:40 AM | Updated as of Jan 12 2022 08:20 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Nagpositibo sa COVID-19 si dating Philippine National Police Chief at senatorial aspirant Guillermo Eleazar.

Sa kanyang pahayag, sinabi na natanggap niya ang resulta ng RT-PCR test niya Martes ng gabi at susundin niya ang protocol ng Department of Health sa home isolation. Asymptomatic o walang nararamdamang symptoms sa ngayon si Eleazar.

Hinikayat ni Eleazar ang publiko na magpabakuna na o mag-booster shot na kung maaari para maiwasan ang seryosong epekto ng virus.

 

Si Eleazar ay tumatakbong senador sa ilalim ng Partido Reporma ni Senador Panfilo Lacson na nauna nang nag-anunsyo na nagpositibo rin sa COVID-19.