PatrolPH

Baby inabandona sa labas ng bahay ng daycare worker sa Siquijor

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2022 07:39 PM

Baby inabandona
Larawan mula kay Meralyn Vega

Laking gulat ng daycare worker na si Meralyn Vega nang makita niya ang isang 2-buwang gulang na babaeng sanggol sa labas ng kaniyang bahay sa Enrique Villanueva, Siquijor nitong Martes.

Kwento ni Vega, bago mag-alas 4 ng madaling araw, nakarinig siya at ang pamilya niya ng motorsiklo sa labas ng kanilang bahay. Maya-maya ay may narinig na silang iyak ng sanggol.

"Pero gi-blind ra amo kay gatuo man mi og silingan ra namo padulong duty. Pagkataod-taod, naa may gahilak nga bata. Di naalarma ming tanan. Nanawag mi og mga silingan ug pulis," aniya.

(Hindi namin pinansin ang motorsiklo sa labas dahil akala namin, kapitbahay lang na papunta sa trabaho. Pero ilang saglit, may umiiyak nang bata. Eh 'di naalarma kaming lahat. Tumawag kami ng mga kapitbahay at pulis.)

Balot ng kumot na nakalagay sa kahon ang sanggol, at sa tabi nito ay may liham na galing umano sa nanay nito.

Iniwan man nito ang sanggol, hiling ng ina sa makakakuha na alagaang mabuti at pabinyagan ang sanggol.

Nakasaad sa liham na ipinanganak ang bata noong Nobyembre 3, at sana ay pangalanan raw ito ng "Kathleen".

"Dili ko taga-diri, Ma'am. Gidala ra ko sa akong nakapaburos tapos pag-walo na ka bulan akong tiyan, gibiyaan ko, kinulata pud ko niya. Wala gani ko nakabayad sa akong pagpanganak," nakasaad sa sulat.

(Hindi ako tagarito, Ma'am. Dinala lang ako dito ng nakabuntis sa akin. Tapos, noong 8 months na ang aking pagbubuntis, iniwanan na ako at nabugbog din niya ako. Hindi pa nga ako nakabayad sa aking panganganak.)

Baby inabandona

Humingi ng tawad ang ina ng bata sa pag-iwan nito. Tatlong araw na raw siyang hindi kumakain at umiinom na lamang ng tubig.

Ayon kay Vega, hindi niya kilala ang nag-iwan ng sanggol at patuloy din daw na hinahanap ang magulang nito.

Wala namang plano ang daycare worker, na mayroong dalawang anak, na ampunin ang sanggol.

Aniya, nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development Central Visayas ang sanggol.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.