PatrolPH

#WalangPasok: Enero 12, klase at trabaho sa LGU sa Tacloban suspendido

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2021 09:11 AM

Suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa lokal na pamahalaan sa Tacloban City Martes, Enero 12, 2021 dahil sa sama ng panahong nararanasan sa lugar.

Ito ang inanunsiyo sa Facebook page ng Tacloban City government at ni City Mayor Alfredo Romualdez.

 

Nauna nang nasuspinde ang pasok sa klase at trabaho sa lokal na pamahalaan noong Lunes dahil sa tail-end of a frontal system na nagdadala ng malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, kabilang ang Tacloban City.

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.