Umano'y drug pusher, patay matapos 'manlaban' sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2021 11:32 PM

Kuha ng Toril Police Station

DAVAO CITY - Isang 36-anyos na lalaki ang patay matapos umanong manlaban sa isang buy-bust operation sa Brgy. Toril Proper sa Davao City nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, napansin ng suspek na si Antonio "Tonix" Asineta na pulis ang kanyang katransaksyon sa Saavedra St. kaya bumunot ito ng armas at nanlaban umano sa operatiba.

Natamaan ng malubha si Asineta. Naisugod pa siya sa Southern Philippines Medical Center pero idineklarang dead-on-arrival.

Nakuhanan ng pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,000 si Asineta, sabi ng pulisya. 

Narekober din ang isang .22 caliber revolver na pagmamay-ari umano ng napatay.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO
 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.