Ebidensiyang nakuha sa buy-bust operation sa Arevalo, Iloilo City, kung saan nasabat ang nasa kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu. Retrato mula kay Ralph Mosqueda
ILOILO CITY — Arestado ang 3 lalaki matapos makuhanan ng P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation na ikinasa sa Arevalo district ng lungsod na ito, sabi ngayong Martes ng mga awtoridad.
Ayon sa pulisya, isa sa mga suspek ay parolee habang ang dalawa'y dati nang nakulong dahil sa ilegal na droga pero nakalabas dahil sa plea bargaining.
Nabilhan umano ng mga awtoridad ang mga suspek ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P19,000 pero nasa kabuuang P500,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa kanila.
Galing Muntinlupa ang ilegal na drogang ibinebenta ng mga suspek, sabi ng pulisya.
Nakakulong ngayon ang mga suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
-- Ulat ni Rolen Escaniel
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, regions, regional news, rehiyon, shabu, buy-bust operation, Iloilo City