P1.3 milyong halaga ng shabu umano, nasabat sa Pasig; rider tiklo

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2021 05:45 AM

MAYNILA - Nasa P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Brgy. San Miguel, Pasig City nitong Lunes.
 
Ayon sa mga awtoridad, isang motorsiklo ang pinara nila dahil walang itong side mirror at plaka. Napansin din nilang nagtangkang umiwas sa checkpoint ang rider pero napigil siya ng isa sa mga pulis.

Habang naghahanap ng lisensya at rehistro ng motorsiklo ang rider, napansin nila ang mga pakete sa loob ng kaniyang bag.

Nang buksan ang bag, tumambad na sa mga pulis ang limang pakete ng hinihinalang shabu na nasa 200 gramo ang bigat.

Arestado ang 20-anyos na motorista na dayo lang sa lugar.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung saan galing at saan dadalhin ang bitbit niyang malaking halaga ng droga.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Acts.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.