Mga residente, inilikas mula sa mga binahang bahay sa Southern Leyte
Sharon Evite, ABS-CBN News
Posted at Jan 12 2021 01:23 PM | Updated as of Jan 12 2021 07:13 PM
Inilikas ang mga residente sa Barangay Sap-ang sa Silago, Southern Leyte dahil sa pagragasa ng tubig na nagdulot ng pagbaha sa lugar. Larawan mula kay Alfie Cruzada Almine
Nagsagawa ng rescue operations ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng Silago sa Southern Leyte sa mga residenteng na-trap sa kanilang mga binahang bahay Martes ng umaga.
Watch more in
iWantTFC Video mula kay Alfie Cruzada Almine
Patuloy na tumataas ang baha sa Barangay Sap-ang dahil sa walang tigil na pag-ulan na nararanasan din sa ibang bahagi ng Eastern Visayas dulot ng tail end of the frontal system.
Bukod sa mga residente, kasamang inilikas din ang ilang mga alagang hayop gaya ng mga aso.
Inilikas ang mga residente, pati mga alagang hayop, sa Barangay Sap-ang sa Silago, Southern Leyte dahil sa pagragasa ng tubig na nagdulot ng pagbaha sa lugar. Larawan mula kay Alfie Cruzada Almine
RELATED VIDEO:
baha, flooding, Southern Leyte, Silago, Pag-ulan, rescue operations, frontal system Visayas, Leyte floods 2021, TV Patrol, Sharon Evite