Higit P3 milyong halaga shabu, nasabat sa Parañaque

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2021 05:48 AM

Kuha ng PDEA-SES

MAYNILA - Arestado ang isang lalaki sa isang buy-bust operation matapos umano mahulihan ng higit P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Parañaque Lunes ng hapon.

Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon, nasabat ang nasa kalahating kilo ng shabu matapos makipagkita ang mga tauhan nila sa suspek na si "Dats" sa parking lot ng isang mall sa Bgy. San Dionisio bandang alas-3 ng hapon.

Nang mahuli ang suspek, nakumpiska sa kanya ang 10 plastic na lalagyan ng shabu umano na nasa tig-50 gramo ang timbang.

Nabawi rin ang ginamit na "boodle money" para sa transaksyon sa suspek.

Nahaharap si Dats sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.