Dating pulis patay sa pamamaril sa Zamboanga City

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2021 12:57 PM

Hindi pa nakikilala ang salarin na bumaril at pumatay sa dating pulis at kasama niyang sakay sa motorsiklo sa Barangay Maasin sa Zamboanga City. Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY - Patay ang dating pulis at kaniyang kasama matapos silang pagbabarilin sa Barangay Maasin, Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang dating kabaro na si Wilfrido Montuno, 54-anyos at kasama nito na si Jose Buhat.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na sana ang mga biktima magka-angkas sa motorsiklo nang mangyari ang pamamaril.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na kanilang ikinamatay.

Agad ring nakatakas ang mga salarin.

Patuloy ang imbestigasyon na ginagawa ngayon ng Philippine National Police para alamin ang motibo ng pamamaril at pagkakilanlan ng mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.