Binaha ang bayan ng Ponteverde sa Capiz matapos umapaw ang Agbalo River dahil sa walang tigil na pag-ulan. Larawan mula sa Capiz Municipal Disaster Risk Reduction Management Office

PONTEVEDRA, Capiz - Nalubog sa baha Martes ng umaga ang bayan ng Pontevedra matapos umapaw ang Agbalo River dahil sa ilang araw na pag-ulan.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Ricky Boluso, may ilang barangay sa nasabing bayan ang hindi madaanan dahil sa taas ng tubig baha.
Dagdag pa ni Boluso na ang Pontevedra ay ang catch basin ng probinsiya dahil sa mababang lokasyon nito.
Karamihan sa mga naapektuhan ay mga palayan, palaisdaan at mga daanan.
Wala namang inilikas dahil sa baha. Sa ngayon ay patuloy pa ang pagtukoy sa halaga ng pinsala sa palayan at palaisdaan sa nasabing lugar.
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
baha, Pontevedra, Capiz, pag-ulan, weather, Tagalog News, weather Capiz 2021, site only, slideshow