P2.5-M halaga ng 'shabu' nasabat sa Negros Occidental; 4 arestado

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2020 06:54 PM

Umabot sa P2.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa apat na suspek sa isang buy-bust operation sa bayan ng Binalbagan, Negros Occidental Linggo ng madaling araw.

Isinagawa ang operasyon sa isang pension house sa Barangay San Pedro. Nakuha mula sa mga suspek ang isang maliit na sachet at isang malaking plastic pack ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang bigat na 250 gramo at may halaga na aabot sa umano sa P2.5 milyon.

Nakuha rin mula sa mga suspek ang isang tooter at weighing scale.

Haharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.