3 Pinay papuntang Hong Kong para maging 'bar girls' nasagip sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2020 06:41 PM

MAYNILA — Nasagip noong Biyernes ng Bureau of Immigration (BI) ang 3 Pinay na ilegal na ni-recruit papuntang Hong Kong para maging "bar girls."

Pasakay na sana ang mga biktima sa isang Hong Kong Airlines flight nang harangin sila ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Nagpanggap umanong turista ang 3, pero nabuking ng Immigration officers ang tunay nilang pakay dahil sa kanilang paiba-ibang pahayag.

Nagpakita din umano ng pekeng tickets ang 3 at nagpanggap pang empleyado ng isang travel agency.

"It was during the interview that they admitted they were going to work in Hong Kong and that they were promised salaries of 500 Hong Kong dollars a day," ani BI-Travel Control and Enforcement Unit head Ma. Timotea Barizo. 

Napag-alamang na-recruit ang 3 ng isang babaeng ahente na nakilala lang nila sa Facebook.

Itinurnover na ang mga biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking para imbestigahan. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.